Ako Po si Juan dela Cruz, Jr.
Florentino Torres
Naroon siya...dakila, marangal. Ako po si Juan dela Cruz, Jr., nasa ikatlong antas ng mataas na paaralan, tanging anak ni Juan dela Cruz, Sr., apo ng silangan at kanluran.
Sa aking mga ugat tumatakbo ang malapot na dugo ng kadakilaan. Ako ang ngayong hinugis ng kahapon. Ako po si Juan dela Cruz, Jr.
Subalit masakit tanggapin na sa panahon ni Juan dela Cruz, Jr., isinilang ang maraming ismo sa lansangan. Kinakalabit si Juan dela Cruz, Jr., binubulungan, hinihikayat. Ito ang panahon ng pagwasak sa lipunan, sa ideyalismo ng kabataan, sa pangarap ng sambayanan.
Sa panahong ito isinilang ang mga demonstrasyon, ang molotov cocktail, ang piket, ang barikada, ang rebolusyong di nagdanak ng dugo. Sa panahong ito ibinandila sa kaitaasan ang banderang pulang animo’y alpa at omega ng sangkapilipinuhan.
Sa panahong ito, maraming sasakyan ang nasunog, maraming gusali ang nasira, at maraming buhay ang nasalanta bukod pa sa maraming ina ang lumuha sa pagdurusa. Maraming anak, asawa, kapatid ang nawawalang parang bula o dili kaya’y nakikitang nakabulagta’t wala nang buhay.
Iyon ang kritikal na panahong muntik nang magwasak sa mga aspirasyon ng kabataang pag-asa ng kinabukasan.
Sa panahon ding ito unti-unting nadama na kailangan ang paninindigan upang mapaglingkuran ang bayan.
Nakita niya ang kanyang mga kahinaang tulad ng kayabangan, ng kadaldalan, at ang kapritso ng katawan. Mga kabulukang tulad ng katamaran, kawalang-galang sa awtoridad, at kitid ng isipan. Mga inuuod na gawaing tulad ng kapusukan, kapalaluan, at kawalang-pitagan sa magulang.
Nakilala niyang ang mga ito ay mga kahinaang sumasakal sa maliit na anino ni Juan dela Cruz, Jr. Isang maliit na Juan dela Cruz na umaasa, nangangarap, nagpupunyagi.
Nakilala niya ring ang pundasyon ng kadakilaan ng alinmang bayan ay maisasakatuparan lamang kung sabay-sabay uusad ang lahat tungo sa tagumpay.
Natambad sa kanyang paningin na ang pagsasabansa ay nasa puso, balikat sa balikat...diwa sa diwa...udyok ng tunay na damdaming nagpupumiglas; nagbigkis-bigkis ang mga mamamayan – bata, matanda, babae, lalaki, pari, madre, lahat-lahat sila – sa iisang layunin. Bakahin ang diktaturyang pinuno. Nagkaroon ng Rebolusyon sa EDSA. Ngunit isang natatanging rebulosyon – pagkat sa halip na sandata laban sa sandata’y pag-iibigan ang pinamamayani.
Nagpakatatag ang bawat isa. Nabakas sa ating mga tinig ang tinig ng paninindigan ni Juan dela Cruz, Jr.
Isang tinig na walang pag-aagam-agam.
Isang tinig ng kagitingan.
Isang tinig ng kadakilaang maipagmamalaki sa apat na sulok ng sandaigdigan. Tinig ng tagapagbandila ng demokrasya.
Labels
- Asignatura (2)
- Noli Me Tangere (2)
- sanaysay (1)
- Talumpati (2)
- Tula (2)
Showing posts with label Talumpati. Show all posts
Showing posts with label Talumpati. Show all posts
AKO SI MAGITING
AKO SI MAGITING
Talumpati ni Consolacion P. Conde
Talumpati ni Consolacion P. Conde
Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan. Nagbubuka ako ng bibig at pilit kong pinalalaki ang aking maliit na tinig!
Tunay, ako’y musmos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakakita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng buhay. Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa. Nananamnam ko ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko na rin ang ganda ng kabutihan at ang kapangitan ng kasamaan.
Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inaakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kapalaran ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Aniko sa sarili, gayundin ang dapat kong gawin!
Ngunit kangina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay nanghilakbot ako sa aking nakita. Mga binatilyong kagayo ko, dapatwat mayn hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ayn unti-unting sila’y nangawala sa kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa’y naghalibasan sa isa’t isa. Ang ilan ay nangalugmok at nangahandusay. Ang iba’y sugatang nagsiapaktakbuhan. O! nakasusuklam na panoorin...Naibulong ko na lamang: A, hindi ko dapat pamarisan sila!
Katutunghay ko pa lamang sa pahayagang ngayon ay aking dala. Isang panawagan sa kabataan na magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalayaan ng bayan. Kaya naman, ako...akong nabibilang sa kabataan ay naririto ngayon at dumudulog sa inyo! Opo, ako...akong si Magiting ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang Tinubuan!
Bakit kayo nangingiti? Bakit nga? Bakit ninyo ako pinagmamasdan mula paa hanggang ulo?...mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako’y pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit ninyo ang aking alok na paglilingkod?
Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako’y naririto upang magpatala – upang lumaban, hindi...upang tumakbo!
Subscribe to:
Posts (Atom)