Labels

Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon

ni G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr.

Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.

Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Pananakop ng Kastila

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.

Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.

(1) Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal

Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.

Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.

Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong 1953 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.

Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro.

Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.

(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso

Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.

Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.

Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”

Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.

Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.

Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.


Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.

Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may mga panulat-sagisag na ‘Huseng Batute’ at ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.

Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.

Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.

Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.

Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.

Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.

Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.

Pananakop ng Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.

Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan noong Hulyo 4, 1946 mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.

Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.

Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.

Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.

Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.

Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.

Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong Kabayo, Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.

Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na ang Batibot, Ang TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ng independent flims at cinema veritae film.

Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.

Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

-#-

Mga Sanggunian:

Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino (pampanahong elektroniko). National Book Store. Mandaluyong City. 1991
Casanova, Arthur P. Kasaysayan at pag-unlad ng dulaang Pilipino. Rex Book Store. Quezon City. 1984
Garnace-Ulit, Perla Ph.D et al. Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas. Grandwater Publications and Research Corporation. Makati City. 1998
Malinao, Alito L. Journalism for Filipinos. National Book Store. Mandaluyong City. 1997
Mosura. Carmel T. at Tanawan, Dolores S. Sandigan ng pamahayagang pangkampus. Mutya Publishing House, Valenzuela City. 2002
Sebastian, Feredico B. Ang dulaang Tagalog. Bede’s Publishing House Inc. Quezon City. 1951
Villafuerte, Patricino V. et al. Panitikang panrehiyon sa Pilipinas. Mega-Jesta Prints, Inc. Valenzuela City. 2000
__________________. www.wikapedia.com

__________________. http://www.elaput.com/mageln24.htm (/Larawan 1)

­­­­­­­­­­­­­­­­__________________. http://websayt.com/cd/eraser3.htm (/Larawan 2)

__________________. http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm (/Larawan 3)








Para sa mga mag-aaral ng kursong Filipino sa hayskul ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga.

Keyboard

(anonymous)

Wag mong
i-backspace
ang mga nakaraang
idenelete ko na sa buhay ko
pagkatapos mong
i-caps lock
paniwalain
tapos nag-shift ka
nag-alternate sa iba
kaya di ko na na-control
nag-space ako
ginamitan mo ako ng tab
para makapasok kang muli
sa home na puso
may uminsert na iba
umenter
nag-page down ka
nag-page up ako
dahil end na
ayoko na
di ko na ipi-print
pause muna ako
nag-isip, ise-save kang muli
you gave me space
pero ayaw na talagang CPU ng utak ko
io-off ko na
ang computer.

Kabanata 63

Kabanata 63 (Ang Nochebuena)

Isang dampa na yari sa mga sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampang ito namamahay ang isang mag-anak na nabubuhay sa pangangaso at pangangahoy.

Isang matandang lalaki ang nakaupo sa lilim ng isang puno at gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman ay isang dalagang nag-aayos ng mga gulay, dayap at itlog ng manok sa isang bilao. Sa kabilang daka ay isang batang lalaki at isang batang babae ang naglalaro sa harao ng isang batang patpatin, malungkot at may malamlam na mata. Ang batang ito ay si Basilio, na anak ni Sisa at kapatid ni Crispin.

Ipinatinda ng matanda ang mga walis sa dalaga upang mau maibili ng mga kakailanganin ng mga kapatid sa nalalapit sa pasko at pagkatapos ay tinanong ni Basilio.

“Ano ang ibig mo?”

“Inkong, mahigit na po bang isang buwan na ako’y maysakit?”

“Magdadalawang buwan na mula nang matagpuan ka naming walang malay. Akala namin ay hindi ka na mabubuhay.”

“Diyos na po sana ang bahalang gumanti sa inyong mga kabutihan. Kami po ay maralita lamang at ang ibig ko po sanang maging pamasko ay makita ko ang aking ina at kapatid na marahil naghihinagpis sa paghahanap sa akin.”

“Ngunit malayo ang inyong bayan, at hindi ka pa lubusang magaling. Gagabihin ka bago mo marating iyon.”

“Hindi ko po iindahin ang pagod. Ang nais ko po ay makasalo ang aking mga magulang at kapatid. Isang isda po ang pinagsaluhan namin noong nakaraang Pasko. Ngayon po siguro’y umiiyak na ang aking ina sa paghahanap.”

“Anak, baka hindi ka na makarating sa bayan nang buhay. Manok at pindang na baboy-ramo ang hahapunan natin ngayon. Darating mula sa bukid ang aking anak at ikaw ay hahanapin.”

“Kayo po’y maraming anak, at ang sa aking ina’y dadalawa pom lamang. Baka po iniisip ng aking ina na ako’y patay na, kaya’t ibig ko po siyang handugan ng pamasko ngayon...ng isang anak.”

Napaluha ang matanda sa sinabi ni Basilio.

“Sige, anak, lumakad ka at bigyan mo ang aginaldo ang iyong ina. Patnubayan ka nawa ng Diyos.”

Napangiti si Basilio at kinuha ang kanyang tungkod.

“Isasama ko po ang aking kapatid sa aking pagbabalik.”

Mabilis na lumakad si Basilio bagamat may benda pa ang kanyang mga paa.

Malamig ang hanging pumapagaspas sa bayan ng San Diego. Ang mga mamamayan ay nangangaligkig sa ginaw. Walang maririnig na kalansing ng mga kubyertos sa mga bahay, nangaakpinid ang mga bintana at walang mga parol na di-tulad noong mga nakararaang taon. Ngayong gabi ay malungkot, kahit na nochebuena.

Sa tahanan ni Kapitan Basilio ay kausap niya si Don Filipo at sa katabing bintana ay nangakadungaw na nag-uusap sina Sinang, Victoria at Iday.

“Mapalad kaya sapagkat napawalang sala ang mga sumbong laban sa inyo. Nasunog nga nila ang inyong bahay, ngunit higit na malaki ang napinsala sa iba.”

Si Sisa ay lumapit sa rehas na bakod at nagniningning ang matang tumingin sa bahay at saka lumayo.

"Magaling na po ba siya? Akala ko po’y nasa bahay siya ng isang mediko?” ang tanong ni Don Filipo.

“Natakot po ang mediko na baka siya ay isumbong na kaibigan ni G. Ibarra kaya’t kanya pong pinaalis ang baliw. Ngayon ay lalabuy-laboy po siya sa kalye. Mabuti’t hindi naman nananakit, at siya’y sa gubat naninirahan. Nang mga oras na iyon ay pumailanlang ang malungkot na awit ng baliw.

“Kailan ikakasal si Maria Clara?” ang tanong ni Iday kay Sinang.

“Hindi ko binasa ang liham ni Maria Clara, sapagkat ayaw kong malaman. Ako’y naaawa kay Crisostomo Ibarra.”

“May balitang bibitayin si Kapitan Tiyago, ngunit iniligtas siya ni Linares. Makaurong pa kaya si Maria Clara?” ang wika ni Victoria.

— Ο —

Si Basilio ay iika-ikang nakarating sa bayan ng San Diego. Mabilis niyang tinungo ang kanilang dampa ngunit wala siyang inabutang tao. Nalaman niyang nabaliw ang kanyang ina at pagala-gala na lamang sa mga lansangan. Walan siyang nabalitaan ukol kay Crispin. Bagamat nanghihina pa siya ay bumalik sa bayan upang hanapin ang ina.

Mula sa bintana ng tahanan nina Kapitan Basilio ay nakita ang isang batang tumatakbo nang papilay-pilay na tinutunton ang pinagmulan ng tinig ng baliw. Nang mga oras na iyon, si Sisa ay nasa tapat ng bahay ng bagong alperes. Isang batang babae ang nakadungaw at inutusan ang isang bantay na paakyatin si Sisa. Si Sisa ay biglang nahintakutan nang lapitan siya ng bantay kaya’t tumakbo nang mabilis na papalayo at takot na takot. Si Basilio, sa takot na mawalay sa ina ay tumakbo ring sumusunod.

“Masdan ninyo at sinusundan ng bata ang baliw,” ang wika ng isang alilang nakakita. “Hayan ang sa iyo,” at binato ang bata.

Si Basiio ay tinamaan sa ulo, ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtakbo. Binagal-bagalan na ni Sisa ang pagtakbo nang makarating siya sa labas ng bayan, ngunit malayo na ang agwat nila ni Basilio.

“Nanay!” ang tawag ni Basilio ngunit kumaripas nang takbo si Sisa nang marinig ang gayong salita.

“Nanay, ako si Basilio!’ ang ulit ng batang nagdaramdam.

Hindi nakaririnig si Sisa kaya’t patuloy namang humahabol si Basilio hanggang sa makarating sa gubat. Si Sisa ay pumasok sa pinto ng libingan nunong Kastila ni Ibarra na nasa tabi ng punong balete. Tinangka ni Basiliong sumunod, ngunit di niya nabuksan ang pinto sapagkat ubos lakas na itinutulak ng mga yayat na bisig ng baliw mula sa loob.

“Ako si Basilio, inay, ang inyong anak!” ngunit lalong nag-ibayo ang pagtulak ng baliw sa pinto.

Itinulak ni Basilio ang pinto at ibinangga ang yayat niyang katawan ngunit walang nangyari. Nakita niya ang isang baging na nakakapit sa puno ng balete kaya’t nangunyapit siya rito hanggang sa siya ay makaakyat sa puno. Nakita niyan si Sisang malakas na itinutulak ang dahon ng pinto.

Narinig ni Sisa ang uga ng mga sanga kaya’t binalak na tumakbo. Mabilis namang nagpatihulog si Basilio at tuloy yakap nang mahigpit sa ina, at pinupog ng halik ngunit sa panghihina, siya’y nawalan ng malay.

Pamulagat na minasdan ni Sisa ang mukha at duguang noo ni Basilio. At sa kanyang pagkakatitig ayn unti-unting nagliliwanag ang nadidimlan niyang isipan. Nakilala niya ang kanyang anak, at sa kagalakan ay malakas na napasigaw. Paduhapang na niyakap at pinaghahagkan ang anak at pagkatapos na yakapin nang mahigpit ay tuluyan nang lumaylay ang kanyang katawan sa tabi ng anak na wala pa ring malay.

Nang magbalik ang malay ni Basilio ay nakita niya ang inang walang malay-tao. Magiliw niya itong tinawag, niyugyog nang bahagya at nang mapansin niyang hindi na ito humihinga ay kumuha siya ng tubig sa batis upang wisikan ang mukha nito. Hindi gumalaw si Sisa.

Hintakot na idinikit ang tainga sa tapat ng puso ng ina ngunit ang yayat na dibdib ay malamig na at ang puso’y hindi pa pumipintig. Idinampi ang kanyang labi sa labi ng kanyang ina, ngunit wala siyang nadama kahit bahagyang init. Niyakap nang mahigpit ni Basilio ang bangkay at umiyak nang buong kapaitan.

Noo’y nochebuena, gabi ng pagsasaya ng mga batang kapi-kapiling ng kanilang mga magulang. Ipinagdiriwang nila ang kaligayahang biyaya ng Langit sa Sangkatauhan, ngunit kay Basilio, ang gabing iyon ay tagapagpagunit ng isang malungkot na pangungulila. Sino ang nakababatid? Marahil sa kumbento ni Pare Salvi ay masayang nangaglalaro ang mga bata at umaawit;

La Nochebuena se viene

La Nochebuena se va...

Umiyak at tumangis nang tumangis si Basilio, ngunit nang itaas ang kanyang paningin ay nakita niyang pinagmamasdan siya ng isang taong walang imik.

“Anak ka ba niya?” ang tanong ng tao.

Marahang tumango ang bata.

“Ano ang iyong gagawin?”

“Ililibing ko po siya?”

“Sa libingan ng simbahan?”

“Wala po akong salapi at ang kura ay hindi papayag.”

“Kung gayo’y...”

“Hindi na ako magtatagal.” ang mahinang sagot ng lalake na noon ay unti-unti nang bumabagsak.

“Malala na ang aking tama at dalawang araw na akong hindi kumakain at umiinon. Ikaw ba’y walang nakitang ibang tao rito ngayong gabi?”

Malugod niyang minasdan ang maamong mukha ni Basilio.

“Pakinggan mo,” patuloy ng lalaking pahina na ang tinig. “Ako’y hindi na aabutin nang umaga. Hakutin mo ang maraming kahoy sa kabila ng batis at dito’y ibunton mo at pagkatapos ay ilagay mo ang aming bangkay sa ibabaw. Sigan mo ang kahoy hanggang sa kami ay maging abo.

Matamang nakinig si Basilio sa di kilalang lalaki.

“Kapag walang ibang taong dumating ay humukay ka rito at makikita mo ang maraming salapi. Kunin mo at gamitin sa pag-aaral.” Ang tinig y unti-unting nawawala. “Kunin mo ang mga kahoy...hindi kita matutulungan.”

Tumayo si Basilio. Ang di kilalang tao ay humarap sa Silangan at pahimakas na nagwikang;

“Mamamamatay akong di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway s aking Inang Bayan! Kayong makakikita, batiin ninyo saiya – at huwag kaliligtaan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi.”

Matapos siyang tumingin sa langit, at marahang bumulong ng tila panalangin ay unti-unti siyang nabuwal sa lupa. -#-

Saklaw at Pagkasunud-sunod ng mga Aralin

Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga
Hayskul
Kagawaran ng Filipino
SAKLAW AT PAGKASUNOD-SUNOD NG MGA ARALIN

Filipino III
Taong Panuruan: 2007-2008



UNANG MARKAHAN
Aralin 1
§ Panitikang Filipino sa iba’t ibang Panahon
Aralin 2
§ Introduksyon sa Teorya at Panunuring Pampanitikan
Aralin 3
§ Dula }Dahil sa Anak p. 109-116 >Pagsusuring Klasisismo p. 120 >Pagsusuring Humanismo p. 168-169 at 200
Aralin 4
§ Noli Me Tangere }Mga Dahilan ng Pagkasulat }Kabanata 1-16
Aralin 5
§ Talumpati }"Sa Kabataan p. 101-102" >Pagsusuring Imahismo p. 105
Aralin 6
§ Sanaysay } Ang Ningning at ang Liwanag p. 11-12 }Pagpapahayag (Paglalahad)
Mungkahing Gawain:
Þ Sulatin Blg. 1 (Paglalahad) Þ Sayawit


IKALAWANG MARKAHAN
Aralin 1
§ Nobela }"Bata, Bata Paano ka Ginawa?" p. 39-46 }"Bata, Bata Paano ka Ginawa?" (pelikula) >Pagsusuring Realismo p. 134 >Pagsusuring Feminismo p. 347
Aralin 2
§ Tula }˜ Sa Tabi ng Dagat >Pagsusuring Arkitaypal p. 286 > Pagsusuring Formalismo p. 216
Aralin 3
§ Noli Me Tangere >Kabanata 17-32
Aralin 4
§ Pamahayagang Pangkampus at Balita }Pagpapahayag (Pangangatwiran)
Mungkahing Gawain:
Þ Sulatin Blg. 2 (Pangangatwiran) Þ Talumpatian


IKATLONG MARKAHAN
Aralin 1
§ Pagsulat ng Rebyu ng isang Pelikulang Napanood }˜ Himala (pelikula) >Pagsusuring Saykolohikal p. 225 at 361 >Pagsusuring Eksistensiyalismo p. 263-264
Aralin 2
§ Sa Bagong Paraiso (Maikling Kwento) p. 147-157 > Pagsusuring Romantisismo p. 143
Aralin 3
§ Pakikipanayam
Aralin 4
§ Noli Me Tangere }Kabanata 33-48 }Pagpapahayag (Pagsasalaysay)
Mungkahing Gawain:
Þ Sulatin Blg. 3 (Pagsasalaysay) Þ Talumpatian


IKAAPAT NA MARKAHAN
Aralin 1
§ Maikling kwento ˜ Mabangis na Lungsod p. 376-379
` Pagsusuring Markismo p. 274-275 at 383 ` Karikatura/Komiks Istrip
` Pagsusuring Sosyolohikal p. 242-243, 314, 334-335
Aralin 2
§ Luha (Tula) p. 221 }Pagsusuring Moralistiko p. 184-185
˜ Pagpapahayag (Paglalarawan)
Aralin 3
§ Noli Me Tangere }Kabanata 49-63 at kabuuan >Pagsusuring Bayograpikal p. 321
Aralin 4
§ Kinagisnang Balon } Pagsusuring Dekonstraksyon p. 371
Mungkahing Gawain:
Þ Sulatin Blg. 4 (Pangangatwiran) Þ Dagliang Pagtatalumpati

Batayang Aklat:
* Pluma III (Wika at Panitikan), Aileen B. Baisa et.al.

Iba pang mga Sangguniang Aklat:
*Sandigan ng Pamahayagang Pangkampus, Carmel Masura at Dolores Tanawan
*Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal
*Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), Jose A. Arrogante et.al.

Blog site:
http://www.adzuhsfil3.blogspot.com/

Balangkas ng mga Proyekto

Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga
Hayskul
Kagawaran ng Filipino
BALANGKAS NG MGA PROYEKTO

FILIPINO-III
Taong Panuruan 2007-2008


UNANG MARKAHAN

PAGBASA/PAGSULAT

Sulatin 15% (Paglalahad)

Pamagat: Sariling Pamagat
Diskripsiyon: Isang sulating naglalahad nang wasto at malinaw na direksyon.
Layunin: Nakalalahad nang wasto at malinaw na direksyon.

Panahong itinakda: Isang Linggo
(Pagbubuo at Pagsusumite)

Kagamitan: Bondpaper, Kompyuter

Pamantayan:
Organisasyon ng ideya -25%
Pagkakabuo -25%
Nilalaman -50%
Kabuuan 100%

(Ang pamantayan ay magiging batayan sa lahat ng markahan/kwarter at maaaring magbago batay sa layunin ng sulatin.)

PAKIKINIG/PAGSASALITA

Sayawit (15%)
(Recitation)
Diskripsyon: Pagsayaw sabay awit

Layunin: Nakalilikha ng mga galaw sabay sa saliw ng inaawit.

Panahong itinakda:
Dalawang linggo (Paghahanda)
Dalawang araw (Presentasyon)

Pamantayan:
Pagkamalikhain ng galaw -30%
Boses -30%
Stage Projection -20%
Kaangkupan -30%
Pagkamatikas -20%
Kabuuan 100%


Ikalawang Markahan

PAGBASA/PAGSULAT

Sulatin 15%
(Pangangatwiran)

Pamagat: Sariling Pamagat
Diskripsiyon: Isang sulating nangangatwiran sa sariling opinyon sa itinakdang isyu.
Layunin: Nakangangatwiran hinggil sa sariling opinyon sa itinakdang isyu.

Panahong itinakda: Isang Linggo
(Pagbubuo at Pagsusumite)
Kagamitan: Bondpaper, Kompyuter


PAGSASALITA/PAKIKINIG

Talumpati (15%) (Recitation)

Pamagat: Ako si Magiting

Diskripsiyon: Pagtatalumpati ng bawat mag-aaral sa klase

Layunin: Nagagamit ng mga mag-aaral ang mga kakayahan at kasanayan sa mabisang pagbigkas at malinaw na pagpapahayag.

Panahong itinakda:Isang buwan (Pagsasaulo)
Isang linggo (Pagbigkas)
Pamantayan:
Pagsasaulo - 5
Boses - 5
Pagbigkas - 5
Pagkanatural/Pagkumpas
at pagpapahayag ng damdamin - 5
Pagharap sa entablado - 5
Kabuuan 25


Ikatlong Markahan
PAGBASA/PAGSULAT

Sulatin 15%
(Pagsasalaysay)

Pamagat: Sariling Pamagat
Diskripsiyon: Isang sulating nagsasalaysay ng karanasan.
Layunin: Naisasalaysay nang masining at mabisa ang personal na karanasan; ang repleksyon at pagpapahalaga dito.

Panahong itinakda: Isang Linggo
(Pagbubuo at Pagsusumite)

Kagamitan: Bondpaper, Kompyuter

PAGSASALITA/PAKIKINIG

Talumpatian (15%)
(Recitation)
Pamagat: Ako Po si Juan dela Cruz, Jr.

Diskripsiyon: Pagtatalumpati ng bawat mag-aaral sa klase

Layunin: Nagagamit ng mga mag-aaral ang mga kakayahan at kasanayan sa mabisang pagbigkas at malinaw na pagpapahayag.

Panahong itikakda:Isang buwan (Pagsasaulo)
Isang linggo (Pagbigkas)

Pamantayan:
Pagsasaulo - 5
Boses - 5
Pagbigkas - 5
Pagkanatural/Pagkumpas
at pagpapahayag ng damdamin- 5
Pagharap sa entablado - 5
Kabuuan 25

Ikaapat na Markahan

PAGBASA/PAGSULAT
Sulatin 15%

(Paglalarawan)


Sariling Pamagat
Diskripsiyon: Isang sulating naglalarawan.
Layunin: Nailalarawan at natutukoy nang masining at kaakit-akit ang mga magaganda at mabubuting katangian.

Panahong itinakda: Isang Linggo
(Pagbubuo at Pagsusumite)

Kagamitan: Bondpaper, Kompyuter

PAGSASALITA/PAKIKINIG

Dagliang Pagtatalumpati (15%)
(Recitation)
Diskripsiyon: Pagsagot sa napiling katanungan sa loob ng itinakdang oras sa pamamagitan ng isang mabisa at mapanghikayat na pagtatalumpati.

Layunin: Nagagamit ng mga mag-aaral ang mga kakayahan at kasanayan sa mabisang pagbigkas at malinaw na pagpapahayag.

Panahong itikakda:Isang linggo

Pamantayan: Nilalaman 40%
Kaisahan ng ideya 30%
Tinig 15%
Katauhan sa tanghalan 15%
Kabuuan 100%

Mga iba pang proyekto:
Dula-dulaan
Pagbubuo ng tula
Collague
Eksibit
Pakikipanayam
Pagsulat ng rebyu
at iba pa.

KATAPUSAN - - - - (noli me tangere)

KATAPUSAN

Nang si Maria Clara at mapasok sa kumbento, si Padre Damaso ay nanirahan na sa Maynila. Si Padre Salvi ay nasa Maynila na rin. Siya ay may mataas na katungkulan sa kumbento at paminsan-minsan ay nagsesermon sa simbahan ng Santa Clara. hindi nagtagal at si Padre Damaso ay nakataggap ng kautusan sa Padre Provincial na inililipat siya sa isang malayong lalawigan. Labis na nasaktan ang kura sa nangyari, kaya’t sinasabing natagpuang patay sa kanyang kama kinabukasan.

Ngayon ay mahihirapan na tayong makilala pa sa Kapitan Tiyago. Ilang linggo bago naging mongha si Maria Clara, si Kapitan Tiyago ay nakaramdam ng panghihina na naging dahilan ng kanyang pamamayat. Siya ay naging malungkutin at palaisip. Nang ipinid ang pinto ng kumbento ay pinagsabihan kaagad si Tiya Sabel na hakuting lahat sa bahay na iyon ang mga gamit ni Maria Clara at ng kanyang yumaong asawa at manirahan sa Malabon o sa San Diego upang siya ay mamuhay mag-isa. nilimot niyang lahat ang mga santo at santa, at ang hinarap ay liempo, sabong at paghithit ng apiyan. Tuwing hapon, siya ay makikitang nakaupo sa harap ng tindahan ng Intsik sa Sto. Cristo. Siya ay naninilaw, payat, hukot at nanlalalim ang mata.

Pagkagat ng dilim ay makikita siyang naglalakad na may tungkod papunta sa isang maruming bahay na may karatulang ganito sa pinto: Fumadero Publico de Anfion. Kay Kapitan Tiyago, ay wala na ngayong nakaaalala.

Si Donya Victorina ay lalo pang nagdagdag ng pustisong buhok upang higit na makagpakilala na siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero ng kaniilang karwahe, at si Don Tiburcio ay ginawa na lamang niyang tau-tauhan. Ang doktor ay hindi na natatawag upang manggamot, at lingguhan na kung mawalan ng pustiso.

Si Linares, na nag-iisang tagapagtanggol ni Don Tiburcio ay matagal nang namayapa at nalibing sa libingan ng Pako. Siya ay namatay sa iti, at sa masamang pakikitungo ni Donya Victorina.

Ang alperes na ngayon ay isa nang tinyente na may gradong komandante ay umuwi na sa Espanya at iniwan ang asawang nanlalagkit sa karumihan.

Ang alperesa ay nagumon sa pag-inom ng alak at paghithit ng tabako kaya lalo siyang kinatakutan ng mga bata at maging ng mga matatanda.

Kay Maria Clara ay wala kaming nalamang anuman, ngunit may ilang nagpapalagay na siya ay sumakabilang buhay na. -#-